• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Mga Sundalo ng 9Id Nakiisa sa Blood Letting Activity ng Ateneo de Naga University

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Nakiisa ang mga sundalo ng 9th Infantry Division sa inilunsad na blood letting activity ng Ateneo de Naga University at ginanap sa Xavier Hall ng nasabing pamantasan, alas 8:00 ng umaga, Agosto 27.

Tinatayang 14,400 cc ng ibat-ibang blood types ang nalikom mula sa 32 sundalo ng 9ID na boluntaryong nakiisa sa nasabing aktibidad na pinangunahan ng Ateneo de Naga University Office of the Students Affairs.

Ang nasabing aktibidad na pinamagatang “Dugong Atenista” ay ginaganap taon-taon sa nasabing pamantasan at ito na ang ika-10 taon nito.

Nakiisa din sa nasabing aktibidad ang mga kapamilya, kaibigan at mga estudyante ng Ateneo de Naga University.

Ang 9ID ay patuloy na nakikipagtulungan sa mga katulad na aktibidad kasabay ng panghinihikayat sa ibang mamamayan na magkawang-gawa rin sa pamamagitan ng boluntaryong pagbibigay ng dugo na malaking tulong para sa mga nangangailangan ng dugo lalo na sa oras ng emerhensiya.