• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

9ID Nagpadala ng Karagdagang mga Sundalo sa Mindanao

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Kaugnay sa mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa Abu Sayyaf Group ipinadala ng 9th Infantry Division ng Philippine Army ang 49th Infantry Battalion bilang karagadagang pwersa sa Mindanao kasunod ng isang Send-Off Ceremony na pinangunahan ni Maj. Gen. Manolito P. Orense, Commander ng 9ID at sinaksihan ng mga mahal sa buhay at mga kaibigan ng mga sundalo sa Naga Airport, alas 7:30 ng umaga, Setyembre 3.

Ayon kay Maj. Gen. Orense, bilang isa sa mga best performing unit ng 9ID, inaasahan niya na mahusay na magagampanan ng mga opisyal at kawal ng 49IB ang kanilang misyon sa Mindanao. Pinaalalahanan din niya ang bawat isa na maging maingat at huwag kalilimutang magdasal upang maging ligtas sa anumang panganib na kanilang haharapin sa pagtupad sa kanilang misyon.    

Ang 49IB na pinapangunahan ni Lt. Col. Arnel B. Bautista ay binubuo ng mahigit 500 na sundalo na ededestino sa Western Mindanao Command (WESMINCOM) Area. Sila ang magiging karagdagang pwersa sa mga sundalong nagsasagawa ng focused military operations sa mga lalawigan ng Lanao upang puksain ang mga Local Terrorist Group ayon na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na siya ring Commander-in-Chief ng AFP.

Ang 2nd Infantry Battalion na kasalukuyang ipinapasailalim sa Battalion Retraining sa Division Training School (DTS) ng 9ID ang itatalaga sa Area of Operations ng 49th IB sa Lalawigan ng Camarines Norte.

Handang harapin ng mga opisyal at kawal ng 9ID ang anumang panganib sa pagtupad nila sa kanilang mga tungkulin.