• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

9ID Binisita ni Pangulong Duterte

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Sa kauna-unahang pagkakataon, binisita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 9th Infantry (Spear) Division ng Philippine Army bilang bahagi ng kanyang pagbisita sa mga kampo militar sa bansa,  Setyembre 21.

 

Mainit siyang sinalubong ng mga sundalo sa pangunguna ni Maj. Gen. Manolito P. Orense, Commander ng 9ID. Ito rin ang unang pagkakataon na mabisita ng pangulo ng bansa ang naturang kampo dito sa rehiyon ng Bikol.

 

Kasama ng pangulo sa kanyang pagbisita sina Secretary Delfin Lorenzana ng Department of National Defense; Lieutenant General Glorioso Miranda, Vice-Chief of Staff, AFP; Lieutenant General Eduardo Año; Commanding General ng Philippine Army; Lieutenant General Ferdinand Quidilla, Commander ng Southern Luzon Command, AFP; Police Chief Superintendent Ramon Ona Buenafe, hepe ng Police Regional Office-Region 5 at ng matataas pang mga opisyal ng DND/AFP at PRO5, PNP.

 

Tulad sa mga binisitang kampo ng militar,muling binigyan pansin ni Pangulong Duterte ang pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

 

Hinimok ng pangulo ang mga sundalo na makipagtulungan sa kanyang kampanya  laban sa droga. Ayon sa kanya kailangang mabigyan ng kaukulang solusyon ang malawakang problemang ito at managot sa batas ang mga sangkot dito.

 

Isa din sa mga binigyan diin ng pangulo ay ang kahandaan ng mga sundalo sa pagtugon sa terorismo. Sa kanyang talumpati, binangit ng Commander-in-Chief ang pamamahagi ng Glock 30 Cal. 45 pistol bilang dagdag kagamitan ng mga sundalo. Sapat anya itong panlaban kontra terorismo katuwang ang suporta ng mamamayan.

 

Tumaas naman ang moral ng mga sundalo sa pagbisitang ito ni Pangulong Duterte dahil kanyang inilahad ang mga plano ng kanyang administrasyon na kinabibilangan ng pagsasaayos ng mga pagamutan ng mga sundalo, pagbigay ng mga combat vest at ng iba pang mga kagamitang magbibigay ng proteksiyon sa mga kawal.    

 

Alinsunod sa mga pahayag ng pangulo, ang 9ID ay sumusuporta sa lahat ng programa ng pamahalaan at laging nakahandang tumugon sa anumang kautusan na naayon sa batas upang maisakatuparan ang mga adhikaing ito ng pamahalaan ang maigting na kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.