• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

9ID Nakilahok sa Nationwide Earthquake Drill

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Kasabay ng ibang ahensya, nagsagawa ang 9th Infantry (SPEAR) Division ng isang Earthquake Drill sa loob ng punong himpilan nito ngayong umaga, 28 September.

 

Ang nasabing aktibidad ay alinsunod sa inilunsad na programa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) tungkol sa Quarterly Nationwide Simultaneous Earthquake Drill upang makita ang kahandaan ng bawat ahensya sa nasabing sakuna.

 

Ika-siyam ng umaga nang tumunog ang sirena sa loob ng kampo bilang hudyat ng pag sasagawa ng drill o pagsasanay. Ang mga sundalo at kawani ng 9ID sa pamumuno ni Maj. Gen. Manolito P Orense, ay sabay-sabay na isinagawa ang Standard Operating Procedure base sa PHILVOCS template na “Duck, Cover and Hold” Concept.

 

Kasabay ng pagsasanay ay ang paglatag ng Local Contingency Plan sa loob ng kampo upang suriin at i-wasto ang nakapaloob dito base sa iba’t ibang scenario. Isa sa mariing binigyang-pansin sa aktibidad ay ang mataas na lebel ng kaalaman at pag-unawa ng bawat isa upang makaiwas sa anumang kapamahakan.

 

Ang nasabing pagsasanay ay ipinatupad din sa mga subordinate units ng 9ID kaagapay ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at stakeholders sa kani-kanilang area of deployment.

 

Bilang “first responder”, patuloy na magsasagawa ng ganitong aktibidad ang 9ID upang pataasin at pag-ibayuhin ang kahandaan nito sa anumang emergency, at maging mabilis ang pagtugon nito sa mga nangangailangan.