• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

9ID Squad at Team Challenge Matagumpay na Naidaos

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Pormal na idinaos ng 9th Infantry (SPEAR) Division ang pagtatapos ng Squad and Team Challenge sa Multi-Purpose Gymnasium ng punong himpilan nitong Miyerkules, Setyembre 28.

Ang seremonya ng pagtatapos ay dinaluhan ng mga kalahok, opisyal at enlisted personnel ng 9ID, habang si Maj. Gen. Manolito P Orense AFP ang naging Keynote Speaker sa nasabing okasyon.

Ang pagsasagawa ng naturang patimpalak ay direktiba ng pamunuan ng Hukbong Katihan ng Pilipinas na may layuning panatilihin ang kasanayan at kahandaan ng isang iskwad bilang batayang pangkat ng organisasyon.

Napapaloob sa aktibidad ay ang mga pagsubok na sumususukat sa katatagan ng katawan at isipan ng mga sundalong kalahok. Kabilang sa mga ito ay ang pagsukat sa antas ng kaalamang pangmilitar, kahusayan sa pagbaril, taktika sa pakikidigma at kahandaan sa pagtugon sa mga sakuna.

Sa resulta ng nasabing paligsahan, nagwagi ang mga kalahok mula sa 2nd Infantry (SECOND TO NONE) Battalion bilang Best Squad at 91st Division Reconnaissance Company bilang Best Team. Isa sa naging tampok sa patimpalak ay ang pagtatagisan ng galing para sa Disaster Response Operation (DRO) na inani ng CAA Squad mula sa 22nd Infantry (VALOR) Battalion ang parangal para sa Squad Category, habang ang 93rd Division Reconnaissance Company ang nagwagi para sa Team Category.

Personal na ginawaran ng parangal ni Maj. Gen. Orense ang mga nanalo at pinuri ang lahat ng kalahok dahil sa lakas at husay na ipinamalas ng mga ito sa nasabing kompetisyon. Hinikayat din nya ang lahat ng kasundaluhan na pag ibayuhin pa ang angking kakayahan upang sila ay lalo pang maging maagap at epektibo sa pagbibigay-serbisyo sa mga mamayan.

 

Ayon sa pinuno ng 9ID, “Kayo (ang mga kalahok) ay magsisilbing modelo sa inyong kapwa sundalo at nawa’y ang inyong ipinamalas na kagalingan at kahusayan ay gamitin ninyo sa pagtupad ng inyong mandato bilang isang sundalo na handang tumugon sa oras na kinakailangan.”