• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

9ID Nakilahok sa AFP and Law Enforces Day

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Sama-samang ipinagdiwang ng 9th Infantry Division, Philippine National Police at Bureau of Fire Protection ang 2nd AFP and Law Enforcers Day sa Pili, Camarines Sur, Oktubre 18.

 

Ang aktibidaday dinaluhan ni Brig. Gen. Danilo Chad D. Isleta AFP, Assistant Division Commander bilang kinatawan ng pinuno ng 9ID.

 

Sa bisa ng Municipal Ordinance No. 6 ang nabangit na araw ay ideneklara bilang AFP and Law Enforcers Day na may layuning mabigyan ng pagkilala ang mga sakripisyo ng mga sundalo, pulis, at bombero sa pagtugon sa pangangailangan at kaligtasan ng mga mamamayan. Kaugnay nito, nagsagawa ng Disaster Response Equipment Display, Audio Visual Presentation, at Photo Display ang 9ID upang mas lalo pang makilala at malaman ng bawat mamamayan ang papel na ginagampanan ng mga kasundaluhan.

 

Dagdag pa dito, nagpamalas ng galing ang mga sundalo sa pamamagitan ng isang martial arts at dance number sa ginanap na maiksing programa habang ang 9ID Combo naman ang naging tampok sa pagbibigay ng musical entertainment sa okasyon. Isang recruitment booth ang itinayo at namahagi ng leaflets ang 9ID upang makapanghikayat ng mga kabataan na nagnanais magkapagserbisyo bilang isang sundalo.

                                                                                     

Sa kanyang pasasalamat, nabangit ni Mayor Tomas Bongalonta ang napakalaking tulong ng AFP at mga Law Enforcers sa Bayan ng Pili lalong lalo na sa larangan ng seguridad at ekonomiya.