• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Proyektong Silid Aralan, Naisakatuparan

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Dumalo si Maj. Gen. Manolito P. Orense AFP, Commander ng 9ID sa Turn Over Ceremony ng Two-classroom Building na itinayo ng mga sundalo sa Revil-Bajar National High School sa Brgy. Poblacion West, Milagros, Masbate, Biyernes, Oktubre 21.

 

Ang proyekto ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng 9th Infantry Division, 51st Engineering Brigade, Masbate Gold Project, Filminera Resources Corporation, DepEd, at Local Government Unit ng Milagros.

 

Ang nasabing paaralan ay ang pinakaunang pampublikong paaralang pang-sekondarya sa nasabing lugar kung kaya malaki ang pasasalamat ng mga residente sa malaking tulong na dala ng nabanggit na proyekto. Bilang isang programang tumataguyod sa diwa ng “Bayanihan”, katuwang ng mga sundalo sa pagtatayo ng naturang gusali ang mga magulang ng mga estudyante na naging daan upang mabilis itong matapos sa loob lamang ng 48 araw.

 

Ayon kay Hon. Jose S. Magbalon Jr., Punong Bayan ng Milagros, maraming kabataan ang makikinabang sa naturang proyekto. Isa rin umano itong napakalaking tulong sa mga mahihirap na kabataan sa kanilang lugar dahil hindi na nila kanakailangan pang mangibang lugar upang makapag-aral.

 

Dumalo sa okasyon sina Mr. Dale Craig, Vice President for Operation ng Masbate Gold Project, Lt. Col. Florencio T. Cayco (Ret.), Project Manager ng Filminera Resources Corporation, Mr. Jose L. Doncillo, CESO VI, Schools Division Superintendent, at Mr. Danilo Mamporte, Head Teacher ng nasabing paaralan.

 

Ang 9ID ay patuloy na makikiisa at itataguyod ang espiritu ng “bayanihan” sa kaparehong mga programa upang makatulong sa pagbibigay ng magandang kinabukasan sa mga kabataan.