• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Second to None Battalion, Matagumpay na Nakapagtapos ng Battalion Retraining

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur-- Mahigit kumulang 500 miyembro ng 2nd Infantry (Second to None) Battalion, matagumpay na nakapagtapos sa Battalion Retraining sa isinagawang Closing Ceremony na pinangunahan ni Maj. Gen. Manolito P. Orense, Commander 9ID, sa punong himpilan nito, Lunes, Oktubre   24.

 

Ang tatlong buwang pagsasanay ay isinagawa sa ilalim nang papamamahala ng 9th Division Training Unit na may layuning lalo pang pag-ibayuhin ang kaalaman at kakayahan ng indibiwal at ng buong yunit.

 

Kaugnay nito, muling dumaan sa iba’t-ibang aspeto ng pagsasanay ang mga sundalo na kinabibilangan ng pagpapalakas, pag-aaral ng mga taktikang militar, pagsasanay sa mga gawain sa panahon ng kalamidad, at higit sa lahat ang pagpapakadalubhasa sa kanya-kanyang mga nakaatang na tungkulin. Isa rin sa binigyang diin sa pagsasanay ay ang aspetong huhubog sa karakter o pagkatao ng isang sundalo upang maging isang kapakipakinabang na mamamayan at masasaligang lingkod bayan.

 

Ayon pa kay Maj. Gen. Orense, dapat maging tuloy-tuloy ang mga pagsasanay sa hanay ng mga kasundaluhan at mga yunit upang makamtan ang mithiing maging isang “World Class Army by 2028”, na kinabibilangan ng mga mahuhusay at propesyunal na sundalo. Dagdag pa nito, ang mga napapanahong kasanayan ng mga sundalo ay magiging daan upang mas maayos pa nitong magagampanan ang pangangalaga ng seguridad pati ang epektibong pagsuporta sa pagsugpo ng iligal na droga at kriminalidad.

 

Dahil dito, ang 9ID ay malaki ang tiwala sa 2IB na mahusay nitong magagampanan ang mga tungkulin sa pagharap sa mga hamon na kaakibat sa kanilang panibagong misyon.