• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Courtesy Call sa Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Bumisita si Brig. Gen. Danilo Chad D. Isleta, Assistant Division Commander kay Gov. Robert L. Rodrigueza sa Kapitolyo ng Lalawigan ng Sorsogon, bilang parte ng “courtesy call” na isinagawa ng pamunuan ng 9ID, Martes, Oktubre 25.

 

Layunin ng aktibidad na maipaabot ng bagong pamunuan ng 9ID na pinamumunuan ni Maj. Gen. Manolito P. Orense ang suporta nito sa pamahalaang panlalawigan lalo na sa mga programang pangkapayapaan at pangkaunlaran.

 

Malaking pasasalamat naman ang ipinaabot ng gobernador sa patuloy na suportang ibinibigay ng Philippine Army at pakikipag-ugnayan nito sa kanyang mga programa sa pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan.

 

Kaugnay ng aktibidad, binisita rin ni Brig. Gen. Isleta ang 903rd Infantry (Patriot) Brigade na nakabase sa Barangay San Rafael, Castilla, Sorsogon. Naging mainit ang pagtanggap ng Patriot Troopers sa pangalawang pinuno sa pangunguna ni Col. Fernando T. Trinidad, Commander 903Bde.

 

Samantala, 11 barangay sa Bayan ng Barcelona at Gubat sa nasabing lalawigan ang ideneklarang “cleared barangay” sa pamamagitan ng Board Resolution matapos ang ginawang assessment at Validation ng Clearing Validation Board (ACVB) na ginanap sa Mango Grill, Magsaysay St. Sorsogon City. Ang aktibidad ay pinangunahan ni Brig. Gen. Isleta kasama ang mga kasapi mula sa 9th Infantry Division, Philippine Army; Col. Fernando T. Trinidad, 903rd Infantry Brigade Commander, Lt. Col. Randy P. Espino, Commanding Officer, 31st IB, representative mula sa Police Regional Office 5, PSupt Efren P. Orlina, PSSupt