• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Donning of Ranks para sa mga Na-promote na Opisyal, Isinagawa

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur- Pinangunahan ni Maj. Gen. Manolito P Orense, Commander ng 9ID ang Donning of Ranks para sa mga bagong promote na opisyal sa 9th Infantry (Spear) Division na ginanap sa 9ID Parade Grounds, alas 8:00 ng umaga, Enero 23.

Isinasagawa ang nasabing seremonya bilang pagkilala at pagbibigay halaga sa mahusay nitong pagganap sa kani-kanilang mga responsibilidad at tungkulin na naging daan upang sila ay mabigyan ng mas mataas na rango.

Kabilang sa mga na-promote sina Cpt John Edizon O Bañal, 1LT Cherry Ann M Ong, 1LT Julieto J Pollescas, 1LT Jhumy W Salazar, 1LT Jhumloyd S Legaspi, 1LT Brendo B Catuday at 1LT Hazel B Rañola.

Kasabay sa kanyang pagbati sa mga bagong promote na opisyal, sinabi ni Maj. Gen. Orense sa kanyang mensahe na ang promotion ay hindi lamang tanda ng pag-angat ng karera ng isang opisyal, isa rin umano itong paalala para sa mas higit pang mga responsibilidad na nakaatang sa kanilang mga balikat. Simbolo din umano ito ng pagtitiwala at pagkilala sa kanilang ipinamalas na abilidad sa patuloy nilang paglilingkod at pagganap sa kanilang mga tungkulin.