• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Relief Operation sa Liblib na Barangay sa Bayan ng Bula Naging Matagumpay

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Naging matagumpay ang inilunsad na relief operation sa Barangay Itangon, Bula, Camarines Sur na pinangunahan ng 9ID Press Corps katuwang ang 9th Infantry Division at iba pang organisasyon, Sabado, Enero 21.

Isinagawa ang nasabing aktibidad upang matulungan ang mga residente sa nasabing barangay na malubhang napinsala ni Bagyong Nina.

Ang Barangay Itangon ay isa sa mga coastal barangays na matatagpuan sa dalampasigan ng Ragay Gulf. Ito ang pinakamalayong barangay ng nasabing bayan na may distansyang 35 kilometro mula sa Poblacion at tanging habal-habal at maliliit na bangka lamang ang gamit ng mga residente dito bilang transportasyon.

Kaugnay dito, humigit kumulang 450 food packs, sapatos, at mga damit ang naibigay sa mga residente bilang tulong mula sa mga kaagapay ng nasabing aktibidad. Bukod pa dito, namahagi din ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng 90 pirasong fish net at 90 marine fly wood para sa mga apektadong mangingisda upang maibalik ang kanilang nasirang kabuhayan. Kasabay din ng relief operation ay ang pamimigay ng vitamins, diapers, at feeding program para sa mga kabataan.

Taos pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ni Mayor Amelita “Megay” Ibasco, Alkalde ng Bula sa grupo na kinabibilangan ng 9ID Press Corps, 9th Infantry Division, Youth for Peace, Smart Communications Philippines, Philippine Amusement and Gaming Corporation, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources V, Rotary Club of Metro Naga – Camarines Sur, SM-Naga, Philippine Red Cross, Sharp Bicol, Philippine Information Agency PIA Camarines Sur, AGV Production, PNP at PDRRMC. Ayon pa sa kanya, malaking tulong ang pagkakaroon ng relief operation sa isa sa mga barangay na kanyang nasasakupan upang maibsan ang epekto ng nasabing kalamidad.

Ang aktibidad ay isang patunay na ang 9ID at iba pang organisasyon ay patuloy na nagtutulungan sa paglulunsad ng mga relief and rehabilitation activity upang makaagapay sa pagbangon ng ating mga kababayan.