• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

“Changing of the Guard” Ginanap sa 9IB

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur- Isinagawa ang tradisyonal na “Changing of the Guard” sa pagitan nina Lt. Col. Danilo G. Ambe at Lt. Col. Patrick E. Cinco bilang pagsalin ng pamunuan ng 9th Infantry (Sandigan) Battalion sa Punong Himpilan nito sa Barangay Mahan-hawan, Labo, Camarines Norte, alas 11:00 ng umaga, Enero 31.

Si Lt. Col. Cinco ay nanungkulan sa 9IB sa loob ng isang taon at dalawang buwan at nakatakdang mamuno sa 9th Civil Military Operation Battalion na nakatalaga sa Legaspi City.

Ayon kay Brig. Gen. Danilo Chad D. Isleta, Assistant Division Commander at Presiding Officer ng naturang okasyon, malaki anya ang tiwala ng Spear Division   sa kakayahan ng bagong talagang pinuno ng 9IB. Bilang dating Hepe ng Tactical Operation Center (TOC) ng 9ID, kumpiyansa ang heneral na mahusay nitong magagampanan ang kanyang tungkulin sa tulong ng mga opisyal at sundalo ng Sandigan Battalion. Inaasahan din na hindi lamang matatapatan kundi mahihigitan pa nito ang mga naging accomplishments ng Sandigan Battalion.

Kabilang sa naisaling mandato kay Lt. Col. Ambe na mapanatili ang katahimikan sa bagong area of operation ng 9IB at maipagpatuloy ang mga nasimulang programa nito lalo na sa mga peace and development projects.