• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

9ID May Bago ng Division Chaplain

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur- May bago ng Chaplain ang 9th Infantry Division ng Philippine Army kasunod ng isinagawang Installation of Division Chaplain na pinangunahan ni 9ID Commander Maj. Gen. Manolito P. Orense, sa Conference Room sa Punong Himpilan nito, alas 9:00 ng umaga, Enero 23.

Pinalitan ni Reverend Father Captain Basas si Rev. Fr. Cpt. Randolph Lanaja na nadestino na ngayon sa 5th Infantry Division sa Upi, Gamu, Isabela.

Si Rev. Fr. Basas na nagmula sa Islang Lalawigan ng Masbate ay galing sa 51st Engineer Brigade ng Philippine Army sa Libis, Quezon City.

Ikinagalak ng bagong Division Chaplain na madestino dito sa Bikol dahil sa siyam na taon niyang serbisyo bilang pari ay una itong pagkakataon na manilibihan siya sa mga bikolano bilang ganap nang Chaplain ng 9ID.

Tiniyak ni Rev. Fr./Cpt. Basas na lubos siyang maninilbihan bilang pari at Division Chaplain na dala-dala ang pangalan ng poong Hesukristo na maghihikayat na mapausbong at mapagyaman ang ispirtiwal at moral ng mga sundalo maging ng mga sibilyan.

Malaki ang paniniwala ni Maj. Gen. Orense na magagampanan ng mahusay ng bagong Division Chaplain ang tungkulin nito na ayon sa kanya ay personal pa niyang hiniling sa pamunuan ng Chaplain Service sa Kampo Aguinaldo si Rev. Fr. Cpt. Basas. Dahil anya sa angking kakayahan ng Division Chaplain ay mapapalakas nito ang motibasyon ng mga sundalo.

Hinimok din ng Division Commander na suportahan ang bagong Division Chaplain sa mga programa at proyekto nito na magbubuklod sa mga sundalo at mga sibilyan bilang huwarang mananampalataya na magsusulong ng katahimikan sa buong rehiyon ng Bikol.