• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

9ID Nakipagtulongan sa Inilunsad na Tree Planting Activity sa Mount Isarog sa Bayan ng Pili

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur- Muling nakipagtulongan ang mga sundalo ng 9th Infantry Division ng Philippine Army sa inilunsad na Tree Planting Activity sa Mount Isarog Natural Park sa Sityo Bongcao, Barangay Curry sa Bayang ito ng Pili, Pebrero 4.

Nakatuwang sa naturang aktibidad ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Youth for Peace Movement ng Tigaon, Camarines Sur.

Pangunahing layunin ng tree planting na ito ang mapalitan ang mga napinsalang kahoy dulot ng nakaraang bagyong Nina.

Patuloy na nakikipag-ugnayan at nakikipagtulongan ang 9ID sa paglulunsad ng mga katulad na aktibidad upang mapangalagaan ang ating kapaligiran. Hinihimok din ng Philippine Army ang iba pang mga Non-Government Organizations at sektor ng sosyodad na maging aktibo at makipagtulongan din sa rehabilitasyon ng ating kalikasan.