• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Sundalo Ng 9ID at Rebeldeng NPA Nagkasagupaan

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur-- Nagkaroon ng isang sagupaan sa pagitan ng mga tropa ng 9th Infantry (SPEAR) Division at New Peoples Army (NPA) sa Barangay Trece Martirez, Casiguran, Sorsogon, dakong 8:40 ng umaga, February 6.

Ang nasabing insedente ay unang engkuwentrong naitala sa pagitan ng puwersa ng gobyerno at rebeldeng NPA sa Bicol simula ng magdeklara ang magkabilang grupo ng pagbawi ng kani-kanilang unilateral ceasefire.

Napag alaman na bago pa ang nasabing operasyon nakatanggap ng impormasyon ang mga sundalo galing mismo sa mga sibilyan na di-umanoy may mga rebeldeng NPA ang nagsasagawa ng mga pangingikil at pangungulimbat sa mga ordinaryong residente sa naturang lugar.

Dahil dito, agarang nagpadala ng puwersa ang 903rd Infantry Brigade sa pamamagitan ng tropa ng 31st Infantry Battalion upang kumpirmahin ang nasabing ulat.

Habang nagpapatrolya ang isang team ng 31IB sa bahagi sa nasabing lugar ito ay walang habas na pinaputukan ng nasabing grupo dahilan upang gumanti ito ng putok. Ang nasabing sagupaan ay tumagal ng humigi’t kumulang sampung minuto.

Sa impormasyong nakalap, napag-alamang may mga nasugatan sa panig ng mga rebeldeng NPA at mapalad namang nakaligtas sa bingit ng kapahamakan ang dalawang sundalo na bahagyang nasugatan dahil sa biglaang pagsabog ng improvised explosive device o (IED) na isang klarong paglabag ng NPA sa rules of engagement.