• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Pangalawang Sagupaan Naitala sa Masbate

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur-- Isa na namang sagupaan ang naiulat sa pagitan ng mga tropa ng 9th Infantry (SPEAR) Division at New Peoples Army (NPA) sa Sitio Bantolinao, Barangay Amutag, Aroroy, Masbate dakong 1:40 ng hapon, February 6.

Ang nasabing insidente ay pangalawang engkuwentrong naitala sa pagitan ng puwersa ng gobyerno at rebeldeng NPA sa Bicol ngayong araw.

Napagalamang nagsasagawa ng operasyon ang 93rd Division Reconnaisance Company upang kumpirmahin ang impormasyon tungkol sa presensya ng armadong rebelde sa nasabing lugar ng magkaroon ng humigit kumulang sampung minutong bakbakan.

Kaugnay ng pangyayari, nakumpiska ng mga sundalo ang apat na improvised explosive device (IED), 96 live ammunition ng M14 rifle, isang jungle hammock, dalawang maxell battery (1.5 volts), 10 AA Battery, mga gamot at mga subersibong dokumento. Base sa nakalap na impormasyon sa nasabing lugar may mga rebeldeng nasugatan samantalang isang sundalo naman ang nagtamo ng sugat sa nasabing sagupaan.

Sa kasalukuyan patuloy pa rin ang isinasagawang pagtugis ng mga sundalo sa mga tumakas na rebeldeng NPA.

Ang paglunsad ng operasyon ng 9ID ay alinsunod na rin sa kautusan ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines upang sugpuin ang patuloy na pang aabuso at paghasik ng karahasan ng nasabing grupo.