• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Bloodletting and DENCAP, Isinagawa

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Cam. Sur-- Isang Bloodletting at Dental Mission ang isinagawa at dinaluhan ng mga sundalo sa Barangay Binanuaanan, Pili, Cam. Sur, Lunes, Pebrero 8.

 Ang nasabing aktibidad ay matagumpay na naidaos dahil sa pagtutulungan ng 502nd CDC, 22nd IB, 565 ECB, 41LAC, LAD, HSBn, 9ID, 1369th Dental Detachment, BMC Blood Bank, Barangay Officials, at mga residente ng nasabing lugar.

 Ayon sa ulat, humigit kumulang 16,200cc ng dugo ang naipon mula sa mga sundalo at sibilyang bulontaryong nag donate ng kanilang mga dugo habang 31 namang pasyente ang nabigyan ng dental treatment ng Dental Team mula sa 9ID.

 Kaugnay ng aktibidad, buong puso namang nagpasalamat si Punong Barangay Marcelos Buscarga sa serbisyong naihatid ng mga kasundaluhan at mga ahensyang bumisita sa kanilang lugar.

 Ayon sa pinuno ng 9ID na si Maj. Gen. Manolito P. Orense, ang mga kasundaluhan ay hindi lamang magbibigay ng seguridad kundi pati na rin ang mga kawang gawa at serbisyo publiko upang makatulong sa ating mga kababayan at mga kumonidad.