• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Libreng Pabahay Para Sa Biktima ng Bagyo, Sinimulan

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines, Sur-- Matagumpay na naidaos ang Ceremonial Build ng Shelter Recovery Project na dinaluhan ng mga sundalo, lokal na mga opisyal, miyembro ng non-government organization, at mga benepisyaryo sa Barangay Sagurong, Pili, Camarines Sur, Pebrero 8.

 

Ang nasabing proyekto ay libreng pabahay para sa mga biktima ng Bagyong Nina na isasagawa sa pamamagitan nang pagtutulungan ng LGU-Pili, 9th Infantry (SPEAR) Division, 565th Engineer Construction Battalion, at FACE Inc.

 

Kaugnay ng nasabing aktibidad, isang simpleng programa na may temang “Build Back Better, Build Back Stronger” ang isinagawa kung saan isang Memorandum of Understanding ang nilagdaan ng mga representante ng mga nabangit na ahensya at kasunod nito ang ceremonial ground breaking bilang hudyat ng pagsisimula ng nasabing proyekto.

 

Tinatayang sa loob ng isang buwan makukumpleto ang 34 yunit na bahay para sa mga pamilyang napili sa 14 na barangay ng nasabing bayan. Inaasahan din na mas mapapabilis pa ito sakaling dumating na ang mga karagdagang sundalo mula sa ibang Engineering Units na sakop ng Southern Luzon Command ng AFP.

 

Samantala, buong pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ng mga benepisyaryo sa mga taong nasa likod ng nasabing proyekto. Ayon sa kanila isang malaking bagay ang mabigyan ng libreng pabahay upang maibsan ang kanilang paghihirap. Nangako din ang mga ito na pahahalagahan ang matatangap nilang tulong.

 

Sa mensaheng ipinaabot ng pinuno ng 9ID na si Maj. Gen. Manolito P. Orense AFP sa pamamagitan ni Brig. Gen. Danilo Chad D. Isleta AFP sinabi nitong lubos na nagpapasalamat ang mga kasundaluhan ng 9ID sa oportunidad na ibinigay ng mga