• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

144 Candidate Soldier Ipapasailalim sa Pagsasanay

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur- Ipapasailalim sa mahigpit na pagsasanay ang 144 na mga bagong recruits' kasunod ng Opening Ceremony ng Candidate Soldier Course Class 464-17 na ginanap sa General Lukban Grandstand sa Punong Himpilan nitong, alas 9:00 ng umaga, Mayo 8.

Ang nasabing okasyon kasunod ang tradisyonal reception rites ay nasaksihan ng kanilang mga mahal sa buhay at todo suporta sa napiling bokasyon ng mga ito na makapagsilbi sa ating mga kababayan at magiging tagapag-tangol ng ating lupang sinilangan.

Ang 144 na Candidate Soldier ay binubuo ng 37 mula sa Lalawigan ng Albay; 9 sa Camarines Norte; 61 sa Camarines Sur; 1 sa Catanduanes; 15 sa Sorsogon; 4 sa Masbate at 17 mula sa labas ng Bikol. Ang mga ito ay umabot sa halos 500 na mga aplikante na dumaan sa mahigpit na pagsusulit at proseso na kinabibilangan ng: Armed Forces of the Philippines Service Aptitude Test (AFPSAT); interview; Physical Fitness Test (PFT); Neurological Psychiatrist Test; Hepa at Drug Test; Medical/Dental at Physical examinations.

Ayon kay Maj. Gen. Manolito P. Orense, Commander ng 9th Infantry Spear Division, Philippine Army, Keynote Speaker sa okasyon, ang naturang mga Candidate Soldier ay huhubogin upang maging disiplinado, professional, matatag, isang ganap na kawal, tagapagtanggol ng bayan na may malasakit sa kapwa, sa kalikasan at may pananalig sa Poong Maykapal.

Hinimok din niya ang mga bagong Candidate Soldier na magpakatatag sa susuunging pagsubok sa loob ng pagsasanay dahil sila ang magiging kaakibat ng ating pamahalaan sa pagbibigay ng maayos na serbisyo sa ating mamamayan sa panahon ng digmaan, sakuna at kalamidad.

Pinasalamatan din ng heneral ang mga magulang at mahal sa buhay ng mga Candidate Soldier sa pagpayag sa kanilang mga anak na pumasok sa hanay ng Philippine Army bilang mga lingkod bayan.