• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

38th National Reservist Week Ipinagdiwang sa 9ID

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur- Ipinagdiwang sa Punong Himpilan ng 9th Infantry (Spear) Division ang 38th National Reservist Week na may temang “Laang Kawal Laging Handa sa Pagtugon sa Pangangailangan at Kusang Loob na naglilingkod para sa Kaunlaran ng Bayan” na dinaluhan ng 285 reservists mula sa Philippine Army, Philippine Air Force at Philippine Navy nito lamang na Mayo 13.

Panauhing pandangal sa nasabing okasyon sina Hon. Miguel Luis “Migz” Villafuerte, Gobernador ng Lalawigan ng Camarines Sur na kinatawan ni Vice Governor Fortunato “Ato” Peña, Hon. Tomas P. Bongalonta JR., Alkalde ng Bayan ng Pili, at Col. Pacual Luis D. Bedia, Deputy Chief of Staff for Reservist and Retirees Affairs, J9 ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Gobernador Villafuerte, malaki ang kontribusyon ng mga reservists sa ating kumunidad sa pagbibigay ng boluntaryong serbisyo lalo na sa oras ng sakuna at kalamidad sa rehiyong Bikol.

Tiniyak din nito na bukas ang pamahalaang panlalawigan ng Camarines Sur sa mga programa at proyekto ng reserve force sa paghahatid ng serbisyo sa ating mga kababayan.

Buong suporta naman ang ibibigay ng pamunuan ng 9ID sa mga reservists sa lalawigan sa pamamagitan ng patuloy na pakikipagtulongan sa lokal na Pamahalaan sa paglulunsad ng mga environmental protection, peace and development, livelihood at humanitarian assistance programs.

Malaking tulong din ang mga reservist sa hanay ng regular force ng AFP bilang  karagdagang pwersa sa panahon ng anumang hamon at tangkang pananakop ng dayuhan sa bansa.

 

Ang naturang pagdiriwang ay tumagal ng tatlong araw kung saan kaalinsabay ng pagtatapos nito ang Donning of Ranks sa siyam (9) na Commissioned Reserve Officers ng AFP na pinangunahan ni Maj. Gen. Manolito P. Orense, Commander ng 9th Infantry (Spear) Division, Philippine Army. Kabilang sa mga kinilala at pinarangalan ay si Navy Lt. Senior Grade Delia Simbulan, Alkalde ng Bayan ng Nabua, Camarines Sur.

Si Lt. Gen. Ferdinand F. Quidilia, Commander ng Southern Luzon Command ay nagpaabot ng kanyang pagbati sa pamamagitan ni Maj. Gen. Orense, Ani niya, knikilala ng Southern Luzon Command ang mahalagang ambag ng Laang Kawal ng Sandatahang Lakas sa mga adhikain nito lalo na sa mga Humanitarian Assistance Disaster Response (HADR) at civic action programs.

Dagdag pa nito, malaking bagay ang natutunan ng mga Laang Kawal sa mobilisasyon at mustering sa kanilang hanay na lalo pang nagpapalakas ng kanilang kakayahan at naghahanda sa kanila sa pagtugon sa anumang sakuna at kalamidad.