• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Community Responders and Basic Life Support Training Ginanap sa 9ID

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur- Ginanap nito lamang Mayo 19 sa 9th Division Training School ng 9th Infantry (Spear) Division, Philippine Army ang limang araw na Community Responders and Basic Life Support Training.

Ang nasabing training ay dinaluhan ng 76 first responders mula sa Bicol Medical Center, Bureau of Fire Protection (BFP), at Philippine National Police (PNP) sa Lungsod ng Naga.

Nagpaabot ng buong suporta sa nasabing aktibidad ang mga pangunahing pandangal na sina Hon. Nelson Legacion, Bise Alkalde ng Lungsod ng Naga at Brig. Gen. Danilo Chad D. Isleta, Assistant Division Commander ng 9th Infantry (Spear) Division.

Layunin ng naturang training na madagdagan ang kaalaman ng mga kalahok bilang mga first responders sa anumang sakuna na maaring mangyari at pagtugon sa kalamidad tulad ng bagyo at mga paglindol.

Ipinasailalim sa iba’t-ibang pagsasanay ukol sa disaster response ang mga kalahok tulad ng Water Search and Rescue (WASAR), Earthquake and Fire Preparedness, Fire Fighting and Technic Procedures, Life Support, at iba pang bagay na maaring makadagdag sa kanilang kaalaman bilang first responders.

Nagbahagi naman ng kaalaman ang Disaster Response Unit (DRU) ng 9ID ukol sa pamamaraan ng pagtugon sa anumang kalamidad o sakuna at pagsagip sa mga biktima.

Samantala, sinubok naman ang mga kalahok hinggil sa kanilang mga natutunan sa pamamagitan ng field and simulation exercises ng iba’t-ibang scenario na ibinigay ng mga tagapagsanay. Kabilang dito ay ang mga pangunahing dapat gawin sa pagtama ng lindol, nangyaring sakuna o aksidente at iba pang mga pangyayari na nangangailangan ng agarang pagtugon.

Ang 9th Infantry (Spear) Division ay patuloy na nakikipagtulongan sa mga Lokal na Pamahalaan, ahensya, at iba pang grupo sa pagtataguyod ng mga katulad na aktibidad upang lalo pang mapagyabong ang kaalaman ng mga mamamayan hinggil sa Disaster Preparedness at Disaster Response.