• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Bigong Pag-atake ng mga Rebelde: NPA Patay, mga Armas Narekober

 

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Patay ang isang kasapi ng New Peoples’ Army matapos ang bigong pag-atake nito sa Abella Patrol Base ng 22nd Infantry Battalion na nakabase sa Brgy Abella, Ligao City, dakong ala-una ng madaling araw nito lamang Hunyo 12.

 

Narekober mula sa mga rebelde ang isang M16 rifle, M653 rifle, bandoleer, tatlong Improvised Explosive Device (IED), at tatlong backpacks. Wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng pamahalaan habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasawing rebelde.

 

Hindi rin nakaligtas sa pagpapaputok ng naturang grupo ang Cuyaoyao Patrol Base sa Brgy Cuyaoyao, Pioduran, Albay nang sila’y paulanan ng bala dakong 12:55 ng hatinggabi. Dakong 1:45 ng madaling araw naman ng marinig ang putok ng isang M203, 100 metro mula sa Headquarters ng 901st Infantry Brigade sa Brgy Villa Hermosa, Daraga, Albay.

 

Mariing kinukondena ng 9th Infantry (Spear) Division ang walang habas na pagpapaputok at panggugulo ng NPA sa mga Patrol Bases at kampo militar. Ang mga gawaing ito ng NPA ay nagdulot ng takot sa ating mga kababayan at nagpakita ng pagsasawalang bahala sa karapatan at kaligtasan ng ating mga mamamayan lalo na sa lalawigan ng Albay.