• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Mahigit 200 sako ng Bigas at mga Relief goods sakay ng Barko tumulak na ngayon patungong Iligan City para sa mga Evacuees sa Marwi City

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur-Mahigit sa 200 sako ng bigas, assorted relief goods, mga used clothings na sakay ng limang trucks na isinakay naman sa Barko mula sa Tabaco Port, Tabaco City, Albay patungong Iligan City ngayong araw Hulyo 7,2017.

Ayon kay Captain Ronnie Madriñan Chief ng Public Affairs Branch ng Assistant Chief of Staff for Civil Military Operations,9ID,PA papangunahan niya ang paghatid ng mga relief goods na aabutin ng 2-3 araw ang biyahe para lang maihatid sa mga biktima ng krisis sa Marawi City.

Sinabi ni Captain Madriñan na halos 5 truck ng relief goods atpera namang nagkakahalagang P161, 729.00 na nilikom galingsa mga stakeholderssa Bicol Region at P700,000.00 naman na mula sa one-day subsistence allowance ng mga kasundaluhan ng 9th Infantry Division sa pamumuno ni Maj.Gen.Manolito P Orense ang kanilang nalikom sa halos tatlong linggong kampanya upang huminge ng tulong sa mga Gov't at Non Gov't Organizations simula ng ilunsad ang proyekto namay temang “Pagmakulog sa Sadiring Lahi o Tabang Para sa Marawi City.

Naging katulong dito ng 9th Infantry Division, ang NFA, Ako Bicol, SM City Naga, 9ID Press Corps, KBP, BISCAST, Naga Central 1, Pepsi Cola, BFAR, PNP, Ateneo De Naga, Metro Naga Chamber of Commerce and Industry, Camarines Sur Chamber of Commerce and Industry, San Miguel Corp., Lupi-Iligan National High School, Mr Jun Lo, Provincial Government of Cam Sur, City Government of Nagaat lahat ng Lokal na pamahalaang panlalawigan sa buong rehiyon ng Bicol.

Malaking tulong din sa pag hatid ng mga nasabing relief goods ang pagpapa-gamit ng isang Cargo Vessel mula kay Governor Joseph Cua ng Cataduanes na mag hahatid sa mga ito mula Virac, Cataduanes patungong Iligan City,Lanao Del Sur.

Ang mga nasabing relief goods at pera ay personal na ihahatid at i-tuturn-oversapamunuan Ms. Lumabia Usman ng CSWD, Marawi City para maipamahagi ng maayos sa mga nangangailangan nating kababayan sa Marawi City.

Nagpaabot naman ng malaking pasasalamat si Major General Manolito Orense Commander ng 9th Infantry Division sa lahat ng mga bicolano na may ginintuang puso na nagbigay ng tulong para sa mga biktima nating mga kapatid sa Marawi City.