• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

10 NPA sa Masbate, Boluntaryong Sumuko

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Boluntaryong sumuko sa harap mismo ni Maj. Gen. Manolito P Orense, Commander ng 9th Infantry Division ang 10 miyembro ng New People’s Army sa punong himpilan ng 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Sitio Baclay, Barangay Bacolod, Milagros, Masbate, alas 5:00 ng hapon, Hulyo 8.

Bitbit ng mga sumukong rebelde ang isang M653 rifle, isang M16 rifle, dalawang shoot guns at isang cal .38 na revolver. Matatandaan na nitong nakaraang buwan lamang ay 19 na rebelde rin mula sa Masbate ang sumuko sa 9th Infantry Division.

Ang pagsuko ng nasabing mga rebelde ay nakasabay sa pagbisita ni Maj. Gen. Orense sa Masbate kaugnay na rin sa nakatakdang pagpunta ng 2IB sa Marawi City, Lanao Del Sur upang tumulong sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga teroristang grupo na naghahasik ng kaguluhan doon.

Sinabi ni Maj. Gen. Orense na kahit ipapadala na ang 2IB sa Marawi City ay magandang pangyayari pa rin ito na may mga rebelde na boluntaryong sumuko sa kanila. Nangangahulugan lamang umano ito na maganda ang kampanya ng mga sundalo sa lalawigan kung kaya tumutugon ang mga NPA sa panawagan na magbalik loob sa ating pamahalaan.

Nakatakda naman na bigyan ng financial at livelihood assistance at ipasailalim sa re-intervention process sa ilalim ng Comprehensive Local Integration Program o CLIP ng gobyerno.