• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Army at NPA Nagkasagupa, 1 rebelde patay

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Patay ang isang pinaghihinalaang NPA matapos na makasagupa ang mga sundalo ng 92nd Division Recconnaisance Company ng Philippine Army sa Barangay Salvacion,  Ragay,  Camarines Sur,  alas 4:50 ng hapon, Hulyo 19.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng combat operation ang 92nd DRC sa nasabing lugar ng makaengkwentro nila ang mahigit kumulang sa 50 NPA. Matapos ang 30 minutong palitan ng putok ay agad na tumakas ang mga rebelde at naiwan sa pinangyarihan ang walang buhay na katawan ng isa nilang kasapi na hanggang sa ngayon ay inaalam pa rin ang pagkakakilanlan.

Narekober sa pinangyarihan ang isang bandoleer, apat na short magazines para sa M16, isang jungle pack, mga personal na kagamitan ng mga rebelde at mga subersibong dokumento.

Wala namang naiulat na sugatan sa panig ng mga sundalo. Patuloy pa rin ang isinasagawang pursuit operations laban sa mga tumakas na rebelde.

Ayon kay Cpt. Randy Llunar, Chief ng Public Affairs Office ng 9th Infantry Division, ang pagkakatukoy sa kinaroroonan ng mga rebelde ay dahil sa mga impormasyon na ibinibigay ng mga lokal na residente na ayaw na rin sa presensya ng mga ito. Patuloy din na magsasagawa ng combat operations ang 9ID upang matiyak na ligtas ang mamamayan laban sa mga rebeldeng NPA.