• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

9ID Nakiisa sa Blood Letting Activity sa Naga City

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – 37 sundalo mula sa 9th Infantry Division ng Philippine Army ang nakiisa at naghandog ng kanilang dugo sa blood-letting activity na ginanap sa Public Safety Office Training Hall, Naga City Hall, alas 7:00 ng umaga, Hulyo 21.

Ang pakikiisa ng mga kawal ng 9ID sa nasabing aktibidad na may temang “Dugong Alay Para sa Kapamilya” ay bunga ng pakikipag-ugnayan ng ABS-CBN Integrated News and Current Affairs sa pamunuan ng 9ID. Ang naganap na aktibidad ay pinangunahan ng DZMM katuwang ang Umagang Kay Ganda, Salamat Dok, at ang ABS-CBN Regional Network Group.

Ito na rin ang pang apat na taon ng nasabing aktibidad na may layuning makalikom ng mga dugo na makakatulong sa mga kababayan natin na nangangailanggan ng nito.

Nakiisa rin sa aktibidad ang Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection at iba pang mga ahensya ng pamahalaan. May mga lokal na residente din naman na nakilahok at naghandog ng kanilang mga dugo.

Ang partisipasyon ng 9ID sa bloodletting activity ay bahagi ng mga programa nito na makapagbigay ng serbisyo sa mga mahihirap na kababayang bikolano. Ito ay naghahayag ng suporta ng mga kasundaluhan sa programa ng mga local at national media dito sa rehiyong Bicol maging sa buong bansa.