• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

9ID Nakiisa sa National Disaster Consciousness, Police Community Relations at National Nutrition Month

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Nakiisa ang 9th Infantry (Spear) Division, Philippine Army sa National Disaster Consciousness, Police Community Relations at National Nutrition Month na may temang “Magtarabangan Kita, Para sa Katoninongan, Kahandaan sa Kalamidad, Kalinigan sa Kapalibotan asin Karahayan sa Salud”  kasunod ng ginanap na opening ceremony sa Sports/Cultural Complex sa bayang ito, Hulyo 24.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Pili, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Central Bicol State University of Agriculture, Sektor ng kabataan at iba pang stakeholder partners.

Ayon kay Maj. Gen. Manolito Paat Orense, Commander ng 9ID, tayong lahat  ay dapat na makibahagi, makipagtulongan at maglaan ng oras para sa adbokasiyang ito na hindi lang tayo ang makikinabang kundi ang mga kabataan hanggang sa susunod na henerasyon.

Hinimok din ni Maj. Gen. Orense ang mga kabataan na maki-isa rin sa pagtataguyod ng ganitong mga programa para sa kanilang benepisyo at sa mga susunod na henerasyon.

Samantala, magkakaroon naman ng static display ang Disaster Response Operations (DRO) Team ng 9ID na magpapamalas ng kahandaan sa pagtugon sa anumang trahedya at sakuna tulad ng bagyo, lindol at iba pang mga kaganapan.

Ang 9ID ay aktibo sa pakikipagtulongan sa lahat ng ahensya ng pamahalaan at iba’t-ibang sektor ng lipunan sa paglulunsad ng katulad na mga programa na magpapalawak sa ating mga kaalaman at kahandaan sa hamon ng panahon.

Let us involve in this undertaking, let us cooperate, let us dedicate our time, hindi lang tayo ang makikinabang kundi ang mga kabataan at ang susunod pang henerasyon