• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Tulay para sa Kaunlaran Project” sa Buhi, Sisimulan

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Sisimulan na ang pagtayo ng “Tulay para sa Kaunlaran Project sa Barangay Iraya sa Bayan ng Buhi sa lalawigang ito kasabay ng Ground Breaking Ceremony at Memorandum of Agreement MOA signing na pinangunahan ng GMA Kapuso Foundation Inc. at Southern Luzon Command (SOLCOM) nitong Hulyo 21.  

Kinatawan ni Brig. Gen. Danilo Chad D. Isleta, Assistant Division Commander ng 9th Infantry (Spear) Division, Philippine Army si Lt. Gen. Ferdinand F. Quidilla, Commander ng SOLCOM sa naturang MOA signing. Pinangunahan ni Ms. Rikki Escudero Catibog, Executive Vice President at COO ng GMA Kapuso Foundation na mula sa hanay ng naturang TV network.

Katuwang din sa proyektong ito na 30-meter cable suspended steel pedestrian bridge na tatawaging Iraya hanging bridge ang lokal na pamahalaan ng Buhi Camarines Sur, DPWH, DEPED Iraya Elementary School, at 51st Army Engineer Brigade.

Pangunahing mabibiyayaan ng hanging bridge na ito ang mga residente ng Brgy Iraya. Sa pamamagitan nito ay maiibsan na ang hirap at panganib sa pagtawid sa tulay na napinsala ng bagyong Nina noong 2016.

Malaking pasasalamat naman ang ipinaabot ng mga taga Iraya sa mga taong nasa likod ng proyektong ito na maghahatid ng ginhawa sa araw-araw nilang pamumuhay.