• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

NPA Patay sa Engkwentro sa Masbate

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Patay ang isang myembro ng New People’s Army sa Masbate matapos na makasagupa ang pinagsamang mga elemento ng 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army at Masbate PNP sa Sitio Tuwingabe, Barangay Gangao, Baleno, Masbate, alas 5:47 ng madaling araw, Hulyo 31.

Nagsasagawa ng combat operations sa lugar ang mga sundalo at pulis sa pamumuno ni 2Lt. Ryan Aljas ng makasagupa nila ang mahigit kumulang sa 15 rebelde na kabilang sa Larangan 1, Komiteng Probinsya 4 ng Masbate.

Matapos ang limang minutong palitan ng putok ay agad na tumakas ang mga rebelde at naiwan sa pinangyarihan ang bangkay ng isa nilang kasamahan na hanggang sa ngayon ay inaalam pa ang pagkakakilanlan. Isang M16 rifle, isang cell phone at mga subersibong dokumento ang nakuha rito.

Ang naganap na enkwentro ay bunga ng impormasyon na ipinapaabot ng mga lokal na residente sa lugar.

Samantala, patuloy pa rin ang panawagan ng 9th Infantry Division sa iba pang mga rebeldeng NPA na sumuko na sa pamahalaan sa lalong madaling panahon at tuluyan ng iwanan ang madugong pakikibaka. Ito na umano ang tamang panahon upang makapamuhay sila ng mapayapa kasama ang kanilang pamilya. Nakahanda rin ang 9th Infantry Division na tulungan ang mga susukong rebelde na makapagbagong buhay sa ilalim ng Comprehensive Local Integration Program (CLIP) ng ating gobyerno.

Pinapurihan naman ni Maj. Gen. Manolito P. Orense, Commander ng 9th Infantry Division ang mga sundalo at pulis sa bagong tagumpay sa pagtugon sa panawagan ni Presidente Rodrigo Roa Duterte na tuluyan nang supilin ang mga rebeldeng NPA para sa tunay na kapayapaan at pagsulong ng kaunlaran sa bansa.