• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

9ID Nakiisa sa Pagdiriwang ng International Humanitarian Law Month

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Nakiisa ang 9th Infantry (Spear) Division sa pangunguna ni Major General Manolito P Orense, Commander ng 9ID sa Simultaneous Flag Raising Ceremony kaugnay sa pagdiriwang ng International Humanitarian Law Day (IHL) at International Humanitarian Law Month na ginanap sa Quince Martirez Parade Ground, alas 7:15 ng umaga, Agosto 7.

Pinangunahan ni Brigadier General Danilo Chad D Isleta AFP, Human Rights Officer ng 9ID na kinatawan ni Col. Michael M Buhat, Chief ng 9th Governance and Strategy Management Office ang pagbabasa ng “AFP Sodiers Pledge of Reaffirmation of Commitment and support for the IHL”, kung saan muling nanumpa ng katapatan at suporta sa IHL ang mga kawal at opisyal ng 9ID.

Binasa rin ni Major General Orense ang mensahe ni Lieutenant General Glorioso V Miranda, Commanding General ng Philippine Army. Ayon sa mensahe ni Lt. Gen. Miranda, “In our 68th year of celebrating International Humanitarian Law, the faithfulness of the army to the letter and spirit of IHL will become an enduring legacy that will define our institution as a world-class organization that is a source of national pride.”

Samantala, sinisiguro naman ng 9ID na patuloy na isasapuso ng mga kawal at opisyal nito ang pagrespeto sa karapatang pantao ng bawat Bikolano.