• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Pagsasanay para sa Candidate Soldier, Pormal ng Binuksan

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Pormal nang inumpisahan ng 9th Infantry (SPEAR) Division ang pagsasanay sa mga bagong Candidate Soldiers sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya sa punong himpilan nito alas 9:00 ng umaga, Agosto 25.

Ang pagbubukas ng Candidate Soldier Course Class 483-17 ay pinangunahan ni Maj. Gen. Manolito P. Orense AFP, pinuno ng 9ID na sinundan ng isang tradisyonal na reception rites bilang hudyat ng pagsisimula ng kanilang pagsasanay.

Ang nasabing grupo ay binubuo ng 201 Candidate Soldiers na matagumpay na dumaan sa mahigpit na pagsusulit at proseso na katulad ng: Armed Forces of the Philippines Service Aptitude Test (AFPSAT), Interviews, Physical Fitness Test (PFT), Neurological Psychiatrist Test, Drug Test, Medical/Dental at Physical examinations.

Ayon sa kanilang class profile, karamihan sa mga bagong nanumpa bilang trainees ay nagmula sa iba’t ibang lalawigan ng Bikol kung saan 89 sa mga ito ay nagmula sa probinsya ng Camarines Sur; 14 sa Camarines Norte; 49 sa Albay; apat sa Catanduanes; 15 sa Sorsogon; pito sa Masbate habang ang 23 naman ay mula sa labas ng rehiyon.

Sa harap ng mga bagong magsasanay, binangit ni Maj. Gen. Orense ang responsibilidad at hamon na kaakibat ng propesyong kanilang pinili. Dagdag pa nito, ang pagsusundalo ay hindi madali dahil aniya, buhay ang inaalay sa paglilingkod sa bayan. Siniguro din ng pinuno sa mga magulang at kaanak ng mga Candidate Soldiers na nasa mabuting pangangalaga ang mga ito habang sila ay sumasailalim sa pagsasanay.

Ang mga Candidate Soldiers ang masinsinang sasanayin sa loob ng apat na buwan sa 9th Division Training School upang maging ganap na kawal kung saan sila ay inaasahang magiging kaakibat ng ating pamahalaan sa pagbibigay ng maayos na serbisyo sa panahon ng kapayapaan, digmaan, sakuna at kalamidad.