• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

9ID Binisita ng bagong SOLCOM Commander

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Binisita ni Maj. Gen. Benjamin R. Madrigal Jr. AFP, bagong talagang Commander ng Southern Luzon Command ng AFP ang punong himpilan ng 9th Infantry (Spear) Division, Philippine Army, Setyembre 1.

Mainit siyang sinalubong ng mga Spear Troopers sa pangunguna ni Maj. Gen. Manolito P. Orense, Commander ng 9ID, kasabay ng pagbigay sa kanya ng arrival honors.

Ito ang unang pagkakataon na mabisita ni Maj. Gen. Madrigal ang 9ID simula ng manungkulan sa naturang posisyon nito lamang ika-18 ng Agusto. Ipagpapatuloy niya ang mga nasimulang programa ng dating pinuno ng SOLCOM na si Lt. Gen. Ferdinand F. Quidilla, (RET), lalo na sa mga programang pangkapayapaan at pangkaunlaran.

Ikinagalak naman ng mga sundalo ang pagbisita ng naturang heneral na nagpataas sa moral ng mga kasundaluhan upang patuloy na makapagbigay ng makabuluhang serbisyo sa ating mga kababayang Bikolano.

Patuloy naman na nagsasagawa ng pagbisita ang bagong Commander ng SOLCOM sa mga nasasakupang yunit nito upang personal na malaman ang mga pangangailangan ng kanyang mga sundalo at ang kahandaan sa pagsugpo sa insurhensiya at pagtugon sa anumang kalamidad o trahedya.