• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Bagong 903rd Brigade Commander, Itinalaga

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Itinalaga si Col. Greg T. Almerol GSC (INF) PA bilang bagong kumander ng 903rd Infantry (Patriot) Brigade sa Change of Command Ceremony na pinangasiwaan ni Maj. Gen. Manolito P. Orense AFP sa Punong Himpilan nito sa Barangay San Rafael, Castilla, Sorsogon, ika-5 ng Setyembre.  

Pinalitan ni Col. Almerol si Brig. Gen. Fernando T. Trinidad AFP kung saan ito ay nakatakdang umupo bilang Assistant Deputy Chief of Staff for Civil Military Operation ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa Kampo Aguinaldo.

Sa kanyang assumption speech, binanggit ni Col. Almerol na buong puso niyang tinatanggap ang responsabilidad na pamunuan ang 903rd Brigade pati na rin ang mga hamon na kaakibat ng kanyang bagong posisyon. Aniya, taos puso niyang gagampanan ang kanyang tungkulin sa abot ng kanyang makakaya katuwang ang kanyang mga kasamahan at mga yunit sa kanyang nasasakupan.

Bilang paghimok, sinabi nitong sama-sama nilang itataguyod ang mga naumpisahang gawain ng 9ID at SOLCOM. Ganun dini ang pagharap sa mga hamong kakaharapin ng yunit sa pagsasakatuparan ng kanilang misyon at pangangalaga sa kapakanan ng mamamayan.

Matatandaang si Col. Almerol ang nagsilbing Deputy Brigade Commander ng naturang yunit na sumasakop sa lalawigan ng Sorsogon at Masbate. Ilan din sa mga mahahalagang posisyon na kanyang ginampanan ay ang pamumuno sa 60th Infantry Battalion ng 10th Infantry Division, 5th Civil Relations Group ng Civil Relations Service, at Reservist Management Center ng AFP Reserve Command.

Si Col. Almerol ay miembro ng Philippine Military Academy Class 1989.

Lubos naman ang pagtitiwala ng 9ID na sa pagkakatalaga ni Col. Almerol na magagampanan nito ng buong husay ang kanyang tungkulin at maipagpapatuloy nito ang mga programang nakasentro sa kapayapaan at kaunlaran sa kanyang nasasakupan.