• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Pulis Tinambangan ng NPA sa Masbate Patay

 

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Patay ang isang pulis makaraang tambangan ng mga komunista at teroristang New People’s Army sa Sityo Tambarong, Barangay Poblacion, Monreal, Masbate, dakong alas 6:00 ng umaga, Setyembre 30.

Kinilala ang biktima na si PO2 Capilan ng Monreal Municipal Police Station. Nagtamo ito ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na naging dahilan ng kaagad nitong pagkamatay.

Ayon sa report, minamaneho ng naturang biktima ang Police patrol car patungo sa carwash station nang tambangan at paputokan ng hindi pa malamang bilang ng mga NPA.

Kaugnay nito, nakikipagtulongan na ang 2nd Infantry Battalion sa PNP Masbate sa pagtugis sa mga salarin na responsable sa pananambang sa naturang pulis.

Pinaigting na ang seguridad sa lalawigang ito ng Masbate upang mahadlangan ang mga tangkang paghasik ng kagulohan ng NPA.