• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Bagong Commander ng 9ID, Itinalaga

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Pormal nang nanungkulan si Maj. Gen. Jesus A Managquil Jr. AFP bilang bagong pinuno ng 9th Infantry (SPEAR) Division matapos ang isang Change of Command Ceremony sa punong himpilan nito sa Kampo Elias Angeles, San Jose, Pili, Camarines Sur, Enero 5.

Pinalitan ng bagong pinuno si Brig. Gen. Danilo Chad D Isleta AFP matapos itong manungkulan bilang Acting Division Commander sa loob ng halos isang buwan at mahirang bilang bagong Army Chief of Staff, pangatlong pinakamataas na puwesto sa Philippine Army.

Sa kanyang pagkakatalaga, sinabi Maj. Gen. Manangquil na buong puso siyang nagpapasalamat sa mga taong nagtiwala sa kanyang kakayahan upang pamunuan ang Spear Division. Aniya, gagampanan niya ito sa abot ng kanyang makakaya katuwang ang mga sundalo’t kawani ng 9ID kasabay nang pahayag na pagbubutihin niya ng husto ang pagtatrabaho at pagbibigay ng serbisyo para sa kapakanan ng mga Bikolano.

Sa kanyang panayam sa media, sinabi nitong isa sa pangunahing isusulong ng kanyang pamunuan ay ang pakikipagugnayan sa mga local chief executives at iba pang mga stakeholders upang mahikayat ang mga rebeldeng NPA na ibaba na ang kanilang armas at magbalik loob sa pamahalaan. Iginiit din nitong hindi labanan o giyera ang kailangan kundi pagkakaisa upang makamit ang tunay na kapayapaan.

Bago sa kanyang pakakatalaga bilang pinuno ng Army sa Bikol, si Maj. Gen. Manangquil ay nanunungkulan bilang Commander ng Joint Task Force-National Capital Region. Ilan din sa mahahalagang posisyon na kanyang hinawakan ay ang pagiging Battalion Commander ng 11th Infantry Battalion, Chief of Staff ng 10th Infantry Division, Brigade Commander, 101st Infantry Brigade, at Deputy Commander ng AFP Western Minadanao Command.

Si Maj. Gen. Manangquil ay mula sa Gen. Santos City at miyembro ng PMA Sandiwa Class 1985.