• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Armas at ilang Kagamitan Nadiskubre sa Camarines Norte at Albay

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Naging matagumpay ang ikinasang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Philipine Army at Philippine National Police matapos nitong madiskubre ang isang arm cache at makumpiska ang isang mataas na kalibre ng armas at mga kagamitang pandigma sa Sitio Igang, Barangay Batobalani, Paracale, Camarines Norte, dakong alas sais ng gabi, Enero 17.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng operasyon ang mga kasundaluhan ng 9th Infantry Battalion, 22nd Infantry Battalion, RMFB 5, at Paracale MPS matapos makatangap ng impormasyong ukol sa itinatagong ilegal na armas sa nasabing lugar.

Sa pagsisiyasat ng mga sundalo’t pulis. nadiskubre ang isang imbakan ng armas kung saan nakumpiska ang isang M16 rifle, walong magazine, 157 rounds ng bala, tatlong jungle hammock, isang bandolier, at mga subersibong dokumento na pinaghihinalaang pagmamay-ari ng mga kasapi ng teroristang grupo.

Sa isang hiwalay na operasyon, matagumpay ding nakumpiska ng mga sundalo ng pamahalaan ang isang M16 rifle, isang M635 rifle, limang magazine, mga kagamitan at mga dokumento na hinihinalang pagmamay-ari ng mga kasapi ng KSPN “Buff”, Komiteng Probinsya 2, BRPC ng teroristang grupo. Natagpuan ang nasabing mga kagamitan sa likod ng bahay ng isang residente ng Barangay Mayong, Tiwi, Albay noong Enero 18 dakong alas dose trenta ng madaling araw.

Ang mga armas at gamit ay dinala sa himpilan ng 901st Infantry Brigade para sa kaukulang disposisyon habang patuloy pa rin ang isinasagawang follow up operation ng mga awtoridad kaugnay ng insidente. Dahil dito, nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng 9ID sa pamumuno ni Maj. Gen. Jesus A Manangquil Jr sa mga taong patuloy na nakikipagtulungan sa pamahalaan at nagpapaabot ng impormasyon. Aniya, malaking tulong ang ginagampanan ng bawat isa upang masugpo ang mga terorista lalong lalo na ito ang nagiging balakid sa pagkamit ng kapayapaan sa rehiyon.

Sinabi rin ng heneral na mas lalo pang papaigtingin ng 9th Infantry Division ang isinasagawa nitong mga operasyon upang epektibong matugunan ang problemang patungkol sa insuruhensya.

Kasabay ng mga isinasagawang mga aksyon, patuloy pa rin ang panawagan ng 9ID sa mga kasapi ng NPA na sumuko na at piliin ang matiwasay na pamumuhay.

Sinabi rin ng pamunuan ng 9ID na nakahanda ito upang maging kaagapay sa mga nagnanais ng bumalik sa normal na pamumuhay. Aniya, mayroong nakalaang programa ang pamahalaan sa mga susuko. Ito ay sa pamamagitan ng Comprehensive Local Integration Program (CLIP) kung saan hindi lamang pinansyal na tulong ang nakalaan kundi pati na rin ang mga pagsasanay at kaukulang gabay sa muling pagbabalik nito sa kani-kanilang komunidad.