• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Sundalo mula sa Mindanao, Dagdag Pwersa sa Bicol

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur— Isang Arrival Ceremony ang inilunsad sa Division Training School (DTS) ng himpilang ito dakong alas 8:00 ng umaga, Abril 19, 2018.

Kaugnay ito ng pagdating ng 161 bagong Privates mula sa 1st Infantry (Tabak) Division, Labangan Zamboanga del Sur bilang karagdagang pwersa ng 9th Infantry (Spear) Division, Philippine Army. 

Pinangunahan ng bagong talagang pinuno ng bagong organisang batalyon na si Lieutenant Colonel Leo Bongosia ang pagsalubong sa mga bagong Privates.

Ang 96th Infantry Battalion ay kasalukuyang sumasailalim sa isang buwan na organizational training bago ito italaga sa kanilang magiging area of operation sa Bikol.

Ikinagagalak naman ni Maj Gen. Jesus A. Manangquil Jr., Commander 9ID ang karagdagang pwersa na ito ng mga sundalo na makakatulong ngayon sa pagsusulong ng mga programang pangkapayapaan at pangkaunlaran.

Makakatuwang ang mga bagong Private na ito sa paghahatid ng mga serbisyo lalo na sa isinusulong na mga Community Support Program (CSP) sa mga kanayunan. Pangunahing nabibiyayaan dito ang ating mga kababayang Bikolano.

Tiniyak naman ng pamunuan ng 9ID na ang karagdagang mga sundalo na galing ng Mindanao ay makapagbibigay ng malaking tulong sa pangangalaga ng katahimikan at kaayusan sa rehiyon ng Bikol.