• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Opening Ceremony ng Candidate Soldier Course Ginanap sa 9ID

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Pinangunahan ni Brig. Gen. Arnulfo C. Matanguihan, Assistant Division Commander ng 9th Infantry Division, Philippine Army ang Opening Ceremony ng Candidate Soldier Course Class 560 & 561-18 na ginanap sa Gen. Lukban Grandstand sa punong himpilan nito alas 4:00 ng hapon, Hunyo 29.

Ang naturang dalawang class ay binubuo ng 300 kalalakehan mula sa mahigit sa isang libong aplikante na mapalad na nakapasa sa mga serye at mahigpit na pagsusulit at pagsubok na kinabibilangan ng Physical fitness test, trade test, medical and dental examinations, neuro-psychiatrist test, drug test, at interview.

Karamihan sa mga bagong recruit na sundalo ay mula sa rehiyon ng Bikol na binubuo ng 72 porsiyento habang ang 28 porsiyento dito ay nagmula naman sa iba’t-ibang rehiyon, 53 sa kanila ay nakapagtapos ng kolehiyo, 38 ay college undergraduate, 98 nakapagtapos ng vocational habang 111 naman sa mga ito ay senior high school graduate na may technical skills.

Ipapasailalim sila sa apat hanggang limang buwan na pagsasanay upang hubogin bilang magaling, mahusay at desiplinadong sundalo.

Sa kanyang mensahe sinabi ni Brig. Gen. Matanguihan na hindi sapat ang tapang at lakas upang makapag serbisyo sa bayan kundi mas higit na kailangan ang malasakit, dedikasyon at pagmamahal sa ating bansa.

Iginiit nito na ang pagsusundalo ay hindi lamang isang propesyon bagkos isa itong bokasyon kung saan ang adhikain ay pagbibigay serbisyo sa kapwa at ang puhunan ay ang sariling buhay.   

Pinaalalahanan din niya ang mga kandidatong sundalo na isapuso at isaisip na ang kanilang pinasok ay hindi isang hanapbuhay kundi isang marangal na serbisyo para sa ating puong maykapal, sa ating bayan at sa kapwa Filipino.