• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Philippine Army at NPA Nagkaengkwentro sa Camarines Sur

3   2  1

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur—Dalawang New People’s Army ang nasawi habang isang carbine at isang improvised explosive device ang nasamsam matapos ang engkwentro sa Barangay Malabog, Caramoan, Camarines Sur dakong alas 12:40 ng hapon, Setyembre 11.

Sa ulat na nakarating sa Joint Task Force Bicolandia, kaagad na nagsagawa ng ng combat operation sa lugar ang mga sundalo ng 83rd Infantry Battalion makaraang makatanggap ng impormasyon mula sa mga sibilyan hinggil sa presensya ng 10 armadong NPA.

Kaagad naman na naglunsad ng pursuit operation ang mga sundalo sa nagsitakas na mga terorista.

Lubos naman ang pasasalamat ni Lt. Col. Tommy A. Deliva, Commanding Officer ng naturang batalyon sa pakikiisa at patuloy na pakikipagtulungan ng mamamayan upang magapi ang gawaing terorista na sanhi ng hindi pag-unlad ng bansa. Kung kaya’t muli siyang nanawagan sa mga miyembro ng CPP/NPA na sumuko at pumanig sa ating pamahalaan para sa maunlad at mapayapang pamumuhay.

Sinabi pa niya na ang mga NPA na patuloy na namumundok at armadong nakikibaka ay walang masusulingan dahil patuloy din silang tutugisin ng tropa ng pamahalaan.