• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

9ID, Philippine Army Nakipag-tulongan sa Pagsagip sa mga apektadong residente dulot ng Bagyong Usman

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Aktibong nakipag-tulongan ang lahat ng mga yunit ng 9th Infantry (Spear) Division, Philippine Army sa kanilang mga Area of Responsibilities sa pagsagip ng mga apektadong residente sa mga binahang lugar at mga landslide areas dulot ng Bagyong Usman.

Ang 31st Infantry (Charge) Battalion ay nakipag-tulongan sa PNP at sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) sa inilunsad na Disaster Response Operations sa mga apektadong barangay sa Bayan ng Matnog sa Sorsogon. Mahigit sa 1,600 na mga evacuees o 340 pamilya ang nabigyan ng tulong at nailikas sa ligtas na lugar.

Nakiisa naman ang mga sundalo ng 83rd Infantry (Achiever) Battalion sa isinagawang clearing operation sa nangyaring landslide sa may bahagi ng Barangay Sibaguan at Barangay Patitinan sa Bayan ng Sagñay,Camarines Sur. Tumulong din sila sa mga residente at sa mga motorista na maayos na makadaan sa naapektohang kalsada dulot ng landslide.

Samantala, inilikas naman ng mga sundalo ng 565th Engineer Construction Battalion, Philippine Army ang mga naipit sa baha sa Barangay Potot sa Bayan ng Libmanan. Mahigit sa 14 na pamilya din ang nailikas nila sa ligtas na lugar matapos na pasukin ng tubig ang kanilang mga bahay. May ilang pamilya rin ang natulungan ng mga sundalo sa Bayan ng Sagñay sa nabanggit na lalawigan.

Ipinag-utos din ni Maj. Gen. Fernando T. Trinidad, bagong talagang Commander ng 9ID na patuloy na mag-antabay sa anumang mga kaganapan at magbigay ng agarang tulong sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong lalo na sa mga residenteng naapektuhan ng naturang kalamidad.

Nakaalerto din ang Philippine Army sa anumang tangkang panggugulo at paglulunsad ng karahasan ng mga teroristang NPA upang samantalahin ang pagkakataong abala ang ating mga sundalo sa pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan.