• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

189 Former Rebels, Ipineresenta sa Pangulo

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Matagumpay na naiharap kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 189 na mga dating kasapi ng CPP-NPA sa isinagawang Presentation of Former Rebels (PFR) Ceremony noong Enero 9, kasalukuyang taon na ginanap sa Grandstand ng Cataingan National High School,Cataingan, Masbate.

Dinaluhan ni Pangulong Duterte ang nasabing programa kasama ang ilang mataas na opisyal ng pamahalaan at ng Armed Forces of the Philippines na kinabibilangan nina Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones, Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año; AFP Chief of Staff Lt. Gen. Benjamin R Madrigal, Commanding General, Philippine Army Lt. Gen. Macairog S. Alberto, Commander, Southern Luzon Command Lt. Gen. Danilo G Pamonag; Commander ng 9th Infantry (Spear) Division at Joint Task Force Bicolandia Maj. Gen. Fernando T. Trinidad; Governor Antonio Kho at iba pang lokal na opisyal ng Masbate.

Ayon sa ulat, sa 189 na mga sumukong rebelde, 41 dito ay regular na miyembro ng NPA, 55 ay miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL) at 93 ay Milisyang Bayan (MB).

Matatandaan na una nang nagkaroon ng Presentation of FR kay DND Sec. Lorenzana at iba pang miyembro ng E-CLIP Comittee noong ika-9 ng Oktobre, 2018 sa naturang lalawigan upang masimulan ang proseso ng kanilang matatanggap na tulong sa ilalim kung saan layunin nitong masimulan ang pagpro-proseso na kanilang tulong sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte na walang kabuluhan umano ang ipinaglalaban ng mga komunistang grupo sa loob ng 50 taon. Aniya, wala itong naiidulot na kabutihan sa komunidad bagkus puro karahasan at pagpapa-hirap sa taong-bayan.

Sa kanyang pagharap sa mga dating rebelde, nag abot din ang pangulo ng tulong pinansyal kasabay ang pagbigay katiyakan sa mga programang nakalaan para sa kanila. Ilan sa nabanggit ng Pangulo ay ang pagbibigay ng libreng lupa at pabahay na pangangasiwaan ng DAR at NHA, livelihood assistance mula sa DSWD, DA at lokal na gobyerno, at pagpapasa-ilalim sa mga livelihood trainings sa pamamagitan ng TESDA. Isa rin sa naging kautusan ng Pangulo ay ang pagtatag ng kooperatiba para sa mga Rebel Returnees upang maisaayos ang mga tulong at benepisyong matatangap sa kanilang pagbabalik loob.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang panawagan ng Joint Task Force Bicolandia sa pamumuno ni Maj. Gen. Fernando T Trinidad sa mga natititirang kasapi ng komunistang grupo na magbalik loob na rin sa pamahalaan at yakapin ang tunay na kapayapaan para sa pagbabago at kaunlaran ng rehiyon.

Tiniyak din ng heneral na handa ang kanyang pamunuan upang gabayan ang sinumang aktibong kasapi ng NPA na nagnanais nang talikuran ang marahas na pakikibaka.