• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

New Year’s Call Ginanap sa 9ID

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Matagumpay na isinagawa ng 9th Infantry (Spear) Division ang tradisyonal na New Year’s Call na pinangunahan ni Maj. Gen. Fernando T. Trinidad AFP sa 9ID Multi-Purpose Gym sa punong himpilan nito,noong Enero 11 kasalukuyang taon.

Ang taunang kaganapan ay dinaluhan ng mga pinuno mula sa mga organic, post at OPCON yunit ng Spear Division at Joint Task Force Bicolandia, mga opisyal na nakatalaga sa iba’t ibang opisina ng pamunuan, sergeants major, at mga kawani ng 9ID.

Bilang parte ng okasyon, isinagawa ang ceremonial toasts bilang pagpapasalamat at pagpupugay sa mga bagay na naisakatuparan ng 9ID sa taong 2018. Binigyan din nang pagpupugay at pagkilala ang mga sundalong nagsakripisyo ng kanilang buhay para sa pagtupad ng kanilang sinumpaang tungkulin.

Sa kanyang mensahe, pinaalala ni Maj. Gen. Trinidad sa mga sundalo at kawani na huwag nitong kalimutang balikan ang mga bagay at kaganapan sa nagdaang taon dahil ang mga ito ay magsisilbing gabay nila sa pagharap sa mga panibagong hamon.

Kinilala rin ng heneral ang ilan sa mga significant accomplishments ng 9ID na siyang nagbukas ng maraming opurtunidad upang maisakatuparan ang misyon nito para sa nasasakupan.

Ilan sa mga ito ay ang pagkakatatag ng Joint Task Force Bicolandia na siyang naging daan upang matagumpay nitong maisagawa ang kampanya laban sa mga grupong nagsisisilbing banta sa seguridad at ang pagkakaroon ng maraming surenderees na siyang naging sanhi nang paghina ng CPP-NPA sa rehiyon.

Kaugnay nito, hinikayat ng pinuno ang bawat sundalo at kawani na patuloy nitong gampanan ang tungkulin upang maging produktibo para sa lahat ang taong 2019.