• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

1 NPA Patay; Baril Narekober sa Engkwentro sa Camarines Norte

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Patay ang isang kasapi ng teroristang New People’s Army matapos ang engkwentrong naganap sa Barangay Del Pilar, Capalonga, Camarines Norte, dakong alas 3:00 ng hapon, Enero 25.

Ayon sa ulat na nakarating sa Joint Task Force Bicolandia, nagsasagawa ng security operation sa lugar ang pinagsanib na puwersa ng mga sundalo mula sa 96thInfantry (Alab) Battalion at 22nd Infantry (Valor) Battalion, Philippine Army nang makasagupa nito ang tinatayang 20 miyembro ng Larangan1, KomitengProbinsya1 ng Bicol Regional Party Committee.

Tumagal ng halos 15 minuto ang palitan ng putok kung saan agad namang nagsitakas ang mga terorista. Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang bangkay ng isang di pa nakikilalang NPA, isang AK-47 nabaril, at mga personal na kagamitan.

Wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng pamahalaan habang patuloy pa rin ang isinasagawang pursuit operation upang tugisin ang iba pang kasapi ng nasabing grupo.

Ayon sa pahayag ng pamunuan ng JTF Bicolandia, ang nangyaring enkwentro ay resulta ng mas pinaigting pang kampanya ng pamahalaan laban sa teroristang grupo ng NPA na siyang pangunahing banta sa seguridad ng rehiyon.

Kaugnay ng pangyayari, nagpaabot naman ng pasasalamat si Maj. Gen. Fernando T. Trinidad, AFP, Commander ng 9ID at Joint Task Force Bicolandia sa mga sibilyan na patuloy na nagbibigay ng suporta at impormasyon na siyang nagiging susi upang maging matagumpay ang mga inilulunsad na operasyon.

Sa kabila nito, nagpaabot din ng pakikiramay ang pinuno sa pamilya ng nasawing NPA kasabay ang panawagan sa natitirang kasapi ng teroristang grupo na talikuran na ang marahas na pakikibaka at yakapin ang mga programang pangkapayapaan at pangkaunlaran na ibinibigay ng pamahalaan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.

Tiniyak din nito na handa ang kanyang pamunuan upang maging gabay sa sinumang nagnanais na bumalik sa mapayapang pamumuhay.