• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Philippine Army sa Bikol Nakiisa sa Paggunita sa Kadakilaan at Kabayanihan ni Gat Jose Rizal

 

wounded1 wounded2 wounded3

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Nakiisa ang Philippine Army sa Bikol sa     sambayananang Pilipino   sa Paggunita sa Kadakilaan at Kabayanihan ni Gat Dr.Jose P. Rizal sa kanyang ika-117 taon ng pagiging Martir. Nagsagawa ng Flag Raising Ceremony at maikling programa ang Lungsod ng Naga at Wreathlaying Ceremony naman sa Bayan ng Pili.

Sa mensaheng ipinarating ni 9th Infantry Division Commander Maj. Gen. Yerson E. Depayso, isinalarawan nito si Rizal na isa sa pinakamagiting na Pilipino na nabuhay sa kanyang panahon na dapat ikarangal   at pamarisan ng kasalukuyang henerasyon. Hinangad niya ang ating   kalayaan sa mapayapang pamamaraan gamit ang angking talino at mga nailimbag na aklat na nagbukas sa kaisipan ng mga Pilipino na magkaisa laban sa mapangahas na mga kastila.

Ayon pa kay Depayso, may mahalaga rin na naiambag si Rizal na naisulat para sa mga sundalo at ito ang mga kataga sa ingles na “ I want to give an example to my people, I write not for myself nor for my glory but for my country. Hence, I prefer truth to fame. May my countrymen also sacrifice their passions for the welfare of the country, may   they not seek their good in honors, employments, bribes, and adulations but in virtues that distinguish and adorn free peoples”.

Kabilang sa mga dumalo sa okasyon sa Bayan ng Pili si Camarines Sur Vice Governor Ato Pena, mga lokal na opisyal ng nasabing bayan, PNP, Bureau of Fire, iba pang uniform services at Philippine Army kung saan nirepresentani Lt. Col. JoselitoPastrana, Commanding Officer ng 9th Civil Military Operations (CMO) Battalion si General Depayso.

Samantala, Pinangunahan ni Mayor John Bongat ang pag-gunita sa Lungsod ng Naga, kasama si Camarines Sur 3rd District Representative Leni Robredo, mga lokal na opisyal at iba pang sektor sa sosyodad.