• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

9ID Nagbigay pugay sa Labinlimang Martir ng Bikol

 

wounded3

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Nakibahagi ang 9th Infantry Division ng Philippine Army sa paggunita sa labinlimang Martir ng Bikol sa pamamagitan ng Flag Raising at Wreath Laying Ceremony na ginanap sa Plaza Quince Martirez sa Lungsod ng Naga.

Pinangunahan ni  Mayor John Bongat ng naturang lungsod ang  pag-alay ng Bulaklak sa Monumento ng mga Bikolanong Martir na nag-alay ng kanilang buhay 117 taon na ang nakalipas. Binigyan din sila ng 21 Gun Salute bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan.

Bukod sa iba pang mga  lokal na opisyal ng pamahalaang panglungsod, dumalo rin sa okasyon ang mga taga Dep Ed, mga kabataan, Civil Society, PNP, BJMP, Bureau of Fire at Philippine Army.

Tulad ni Dr. Jose P. Rizal ang naturang mga Bikolanong Martir ay binaril din. Labing-isa sa mga ito ay binaril  sa Bagumbayan (ngayon ay “Luneta”),  ang 4 ay namatay sa pasakit habang nasa piitan.

Tuwing Enero 4 ng taon, ang Lungsod ng Naga ay deklaradong Public Holiday bilang paggunita sa mga martir ng Bikol na nakipaglaban para sa kalayaan ng bansang Pilipinas.