• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

9ID Nakibahagi sa "One Nation in Prayer-Isang Bansa, Isang Panalangin

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur - Pinangunahan ni Maj. Gen. Yerson E. Depayso, Pinuno ng Philippine Army sa Bikol ang "One Nation in Prayer"-Isang Bansa, Isang Panalangin bilang pakikiisa sa panawagan ng pamahalaan para sa malawakang pagdarasal at paggunita sa mga buhay na nawala sa mga nagdaang trahedya at kalamidad nang nakaraang taon 2013. Ginanap ito kaninang alas 5:00 ng hapon sa Multi-Purpose Gym sa Headquarters ng 9th Infantry Division na dinaluhan ng mga sundalo at mga civilian employees. Isinagawa rin ang naturang okasyon sa lahat ng Major Services ng Armed Forces of the Philippines at mga line units, mismong si Pangulong Benigno S. Aquino, III Commander in Chief ng AFP ang nanguna sa kapit-bisig na panalangin para sa bansa.Sinabi ni Depayso na ipinakita ng mga Filipino ang hindi matatawarang abilidad sa pagharap sa sitwasyon at walang pag-atubiling pagtugon at pagbigay ng tulong sa mga kapwa Filipino na nangangailangan ng tulong. Nagbigay pugay din siya sa mga sundalo na walang sawa sa pagtulong sa ating mga kababayan. Binigyan diin pa ng Heneral na hindi man natin kayang pigilan ang mga kalamidad ay kaya naman natin itong labanan sa ating angking kaalaman at kahandaan upang wala nang maraming buhay na masayang. Tinapos ang okasyon sa pamamagitan ng pagsindi ng kandila at mga papuring awitin.