• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Pampasabog, baril at mga Balang Binaon ng NPA nahukay sa Daet

 

wounded1 wounded2 wounded3

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur-Isang 30 Caliber Springfield machinegun, tatlong granada, isang rifle grenade at mahigit 100 mga bala para sa matataas na kalibre ng armas ang narekober ng mga elemento ng 49th Infantry Battalion ng Philippine Army sa mga rebeldeng New People's Army alas 12:45 ng hattinggabi kagabi sa Bayan ng Daet, Camarines Norte. Ayon kay Lt. Col. Michael Buhat, Commanding Officer ng 49th Infantry Battallion kaagad silang nagtungo sa Brgy Binatagan, Basud, Cam Norte matapos makatanggap ng report mula sa dating rebelde na kasapi ng Front Committee 71 ng Bicol Regional Party Committee hinggil sa armas at mga pampasabog na ibinaon ng mga NPA. Patuloy pang nakikipag-ugnayan ang mga sundalo sa dating rebelde sa posibilidad na may iba pang mga armas at kagamitan ng NPA na nakatago. Dinala na ang narekober na armas, mga bala at pampasabog sa kampo ng militar sa Barangay Bagasbas sa nasabing bayan. Nanawagan naman si 9ID Commander Maj. Gen. Yerson Depayso na kaagad na ipaabot sa militar at pulisya ang iba pang pinagtaguan ng mga armas ng mga rebelde upang hindi na makapaghatid ng peligro sa mga sibilyan.