• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Barangay Health Workers Ipinapasailalim sa Tatlong Araw na pagsasanay

 

wounded1 wounded2 wounded3

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Ipinapasailalim sa tatlong araw na pagsasanay ang 177 na Barangay Health Workers mula sa 24 na barangay sa Bayan ng Daet sa Lalawigan ng Camarines Norte, kasunod ng Opening Ceremony kanina sa Headquarters ng 9th Infantry Division.

 

Pinangunahan ito ng Lokal na Pamahalaan ng Daet katuwang ang 49th Infantry Battalion ng Philippine Army.

 

Layunin ng pagsasanay na ito na madagdagan ang kaalaman ng naturang mga Barangay Health Workers lalo na sa kalusugan dahil sila ang pangunahing nalalapitan ng kanilang mga kabarangay .

 

Sila din ang pangunahing magsusulong ng mga programang pangkalusugan ng pamahalaan.

 

Ilan sa mga pag-aaralan ng mga participants ay ang layunin at tungkulin ng mga Barangay Health Workers at ilan sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap ng mga kababaihan at kabataan sa kanilang komunidad.

 

Pagtutuunang pansin din ang mga kaalaman at kung ano ang mga nararapat gawin upang mapigil ang mga pangkaraniwang sakit tulad ng diarrhea, lagnat pagsugpo sa dengue at maging sa pag-iwas sa sexually transmitted disease.

 

Kabilang sa kanilang pag-aaralan ang Maternal Health Care lalo na sa mga kababaihan na nasa panahon ng kanilang pagdadalangtao, kung paano mapapangalagaan ang kanilang mga sarili at sanggol sa kanilang sinapupunan.

 

Tuturuan din sila ng DRO Team ng 9ID sa Disaster Preparedness na magagamit nila sa oras ng kalamidad.