• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Army sa Bikol Nakibahagi sa Sign-up ng Organ Donation para sa Guinness World Record

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Nakibahagi ang Philippine Army sa Bikol sa ginanap kahapon na sign-up ng organ donation para masungkit ang Guinness World Record na pinakamaraming bilang ng mga tao na pumirma bilang organ donor sa loob ng isang oras.

 

Mahigit sa 250 sundalo at kasapi ng Citizens Armed Forces Geographical Unit CAFGU ng 9th Infantry Division ang napabilang sa mahigit sa 2,000 na nakapagpatala bilang mga organ donor sa Jessie M. Robredo Colisuem sa Lungsod ng Naga.

 

Nasungkit ng Pilipinas ang titulo na dating hawak ng bansang India na may 2,755 na bilang matapos itong mahigitan ng bansa na may mahigit sa 3,000 nagpalista sa Polytechnic University (PUP) sa Sta. Mesa, Manila, bukod pa sa ibang lugar na kalahok din sa organ donation.

 

Bukod sa one hour record, target din ng Department of Health at Philippine Health Network for Organ Sharing (Philnos) na ma-break ang record na may pinakamaraming bilang ng mga tao sa bansa na mag-signify bilang mga organ donor sa loob ng isang araw.

 

Ang Philippine Army ay todo suporta sa malakawakang kampanyang ito ng naturang ahensiya sa “Lifeline” organ donation.