• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

2 Mataas na opisyal ng NPA Nadakip ng Philippine Army sa Magkahiwalay na Engkwentro sa Sorsogon at Masbate, mga Armas at Pampasabog Nakumpiska

 

   

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Dalawang mataas na opisyal ng rebeldeng New People‚Äôs Army ang nadakip ng mga sundalo sa  engkwentro dakong alas 6:15  ng umaga kanina  sa  Batang Ilan Complex sa Bayan ng Magallanes, Sorsogon.

 

Kinilala ni Captain Mardjorie Paimela Panesa, Public Affairs Officer ng 9th Infantry Division, Philippine Army ang nadakip na mga  rebelde na sina Elias Pura Alyas Soling at ang isa ay nakilala lamang sa alyas Ino, mga Finance Officers ng Bicol Regional Party Committee ng NPA na nag-ooperate sa bahaging ito ng Sorosogon.

 

Ayon kay Panesa, si Pura ay sumuko ng masakote ng  pinag-isang pwersa ng  mga sundalo  mula sa  31st Infantry  Battalion, Special Forces, Philippine Navy  at PNP   sa  naturang sagupaan. Nasugatan naman si alyas Ino na kaagad na  isinugod sa ospital.

 

Nakumpiska  sa naturang mga rebelde ang isang M653 o  baby armalite, isang cal .45, dalawang Improvised Explosive Device IED at isang hand grenade.

 

Samantala, dalawang M16 rifle at isang Carbine at iba pang mga kagamitan ng NPA  ang narekober ng mga sundalo sa isa pang  sagupaan ng Philippine Army at mahigit kumulang 15 NPA  alas 6:10 ng umaga   sa Barangay Jangan sa  Bayan ng Balud sa Islang  lalawigan ng Masbate.

 

Sinabi ni 9ID Commander, Maj. Gen. Yerson Depayso, ang matagumpay na operasyon   ng tropa ng pamahalaan laban sa mga rebeldeng grupo ay bunga ng patuloy na pakikipagtulongan ng mga sibilyan.

 

Patuloy na  babantayan ng Army ang katahimikan sa Bikol  dagdag pa ni Depayso.

 

Download Click here...